dahil hindi ko kayang panatilihin ang blog na ito, akin na itong isinasara. sa lahat ng mga bumasa at tumambay, may epekto man sa inyo o wala ang mga pinagsasabi ko, maraming salamat.
kung may pagkakataon, ako na lang ang magbabasa ng mga entry niyo. natutuwa naman ako na ganoon. sisiguraduhin ko na mag-iiwan ako ng bakas kung dadalaw ako sa inyo. sa ngayon, tahimik muna ako. kung gusto ko nang mag-ingay, babalik ako. pwede rin hindi na para mas lumuwang ang cyberspace.
hanggang sa muli!